Add parallel Print Page Options

Si Ahaz ay dalawampung taon nang siya'y magsimulang maghari, at siya'y naghari sa loob ng labing-anim na taon sa Jerusalem. Hindi siya gumawa ng matuwid sa mga mata ng Panginoon niyang Diyos, na gaya ng ginawa ni David na kanyang ninuno,

sa(A) halip siya'y lumakad sa landas ng mga hari ng Israel. Maging ang kanyang anak na lalaki ay pinaraan sa apoy, ayon sa mga karumaldumal na kaugalian ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon mula sa harapan ng mga anak ni Israel.

Siya'y nag-alay at nagsunog ng insenso sa matataas na dako, sa mga burol, at sa ilalim ng bawat luntiang punungkahoy.

Read full chapter